19 February 2011

Saksi ang Dagat



Saksi ang Dagat
(-redge-)


Saksi ang dagat sa ating pag-iibigan
Kaya dito tayo nagsumpaan
Sumpaan ng ating pag-iibigang tunay
Na tayo'y magmamahalan hanggang sa kabilang buhay

Kahit na tayo'y paghiwalayin ng sibat
Magmamahalan pa rin tayo ng tapat
Kahit magunaw pa ang mundo
Magmamahalan pa rin tayo

Pero hinding-hindi natin maiiwasan
Pasubok sa ating buhay ay dadaan
Pasubok na napakahirap tanggapin
Lalo na kung ang minamahal mo ang kukunin

Dahil sa subrang pagdaramdam
Gusto kong masukat ang tunay na nararamdaman
Isang paraan para malaman ko ang sukat
Ito'y ang paghanap sa dulo ng saksing dagat


Share/Bookmark

No comments:

Post a Comment